CRYPTO SQUARE ROAD SHOW 2019

Advertisements

VLOGGERS EXPLORE MLA

REAL ESTATE PRESSCON 20/20

Tourism Malaysia

MANILA, 9 October 2019. Tourism Malaysia today launched its VM2020 Campaign for the Philippines market which by region, Philippines is one of the top source markets for tourists to Malaysia.

VM2020 promises an abundance of excitement with a long line up of cultural themed events, family fun activities, shopping festivals and lots more.

Tourism Malaysia led a delegation of 18 Malaysian travel trade and industry players, comprising of 10 travel agents, 2 hotels, 4 product owners and 2 airlines.

The Philippines travel industry were given an update on the VM2020 campaign, and a Gala Dinner was also held at Shangri-La Makati Hotel for all participants.

To boost Philippines arrivals, Tourism Malaysia encouraged tour operators to develop and sell holiday packages to Malaysia with a focus on niche products like luxury travel, shopping, and sports tourism.

A discussion was carried out with the top travel trade associations in Philippines, namely Philippines Travel Agents Association (PTAA), National Association of Independent Travel Agents (NAITAS) and The Philippine Tour Operators Association (PHILTOA).

Tourism Malaysia’s promotional efforts in Philippines is expected to increase the number of Philippines tourists to Malaysia.

It aims to promote greater awareness of Malaysia as an ideal holiday destination, besides fostering greater cooperation between tour operators and members of the tourism fraternity.

This is in line with Malaysia’s efforts to boost arrivals from Philippines, with as many as 510,650 Philippines tourists visiting Malaysia in 2020. #VisitMalaysia2020

#TaraNaSaMalaysia

#VM2020

REAL ESTATE PRESSCON 2020

Travelooza III : Promoting our Philippine Tourism

The biggest series of any corporate forums is under Asia Leaders Forum where there’s different topics per event distributed for the whole year.
Just recently, Asia Leaders Forum: Travelooza 3 with a focus on Food, Hospitality, Tourism and Green Infrastructure has been held at Makati Shangrila Hotel with the CEO of VI Group of Companies as one of the speakers. Architect Kaydee Marie Velasco, the young entrepreneur and awardee last year under Asia Leaders Awards discussed the need of green infrastructure for sustainable tourism.
Robert Laurel Yupangco is one of the speakers and presenters who highlighted the importance of one green theme parks in the Philippines and the importance of Tourism.
Zoomanity Group, one of the leading companies in the theme park industry with its CEO, Robert Laurel Yupangco and manages Zoobic Safari, Zoocobia, Paradizoo, Zoocolate Thrills in Bohol, Residence Inn Tagaytay, Samgyupsalamat Unlimited Korean BBQ, UnliCity, Jinsei, Midori and more hotels around the country.
The deputy ambassador from Malaysia, Rizany Irwan also discusses the best practices in his home country to compare and improve the tourism in the Philippines. Some discussions includes;

  • Philippine tourism policy and direction with the goal of contributing to the ongoing, sustainable growth of PH economy
  • Managing programs and activities to sustain a healthy visitor industry
  • Developing and implementing the PH Tourism Strategic Plan and tourism strategy
  • Coordinating tourism-related research, planning, promotional and outreach activities with the public and private sectors
  • Green infrastructure and it’s importance for our tourism and environmental factors

Speakers who joined the event includes;

  • Deputy Ambassador Rizany Irwan of Malaysia
  • Ambassador Dongman Han of Korea
  • Secretary Raul Lambino of CEZA
  • RJ Ledesma of Mercato Centrale
  • Lance Tan of The Happy Beach Cebu, The Inflatable Island Subic and The Dessert Museum
  • Robert Yupangco of Philippine Korea Council (Vice Chairman)
  • Dr. Elton See Tan of Philippine Chamber of Commerce and Industries (Past Chairman and Senior Adviser)
  • Tan Yu III of Makati Tourism Inc (Secretary General)
  • Arch. Kaydee Velasco of KMV Asia (CEO)

The objective of the event is for the guests to learn more from these industry leaders and to continuously promote the Philippines as the premier hub and destination in Asia.
Contact:Engr. Grace Bondad NicolasOperationsTag Media Group‪09778978877/ 02 2193503‬grace@tagmedia.asia

Malalaking pangalan sa industriya ng media sa entertainment writing sa Pilipinas sina Danny Vibas, Pilar Mateo at Art Tapalla.

Tatak-de kalidad ang kahulugan ng kanilang mga pangalan. Kaya pag pinagsama ang kanilang mga puwersa, malaman ang talakayan kaugnay sa panulatang pang-aliwan sa Pilipinas.

Napakarami na nilang kontribusyon sa larangan ng peryodismong pampelikula. Bagamat nagawan na namin ng argumentasyon at paliwanag ang ibig sabihin ng peryodismong pampelikula sa aming librong “Expose Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas (Movie Reporting in the Philipines)” na inilimbag ng UST Publishing House, iminungkahi ni Danny na gawing entertainment writing anya ang peryodismong pampelikula. “Paano naman ang isinusulat tungkol sa industriya ng telebisyon? Paano ang mga nagaganap sa industriya ng musika? Paano ang nangyayari sa teatro? Ngayon nga, ang dami ring nagaganap sa social media? Mas maganda sana kung entertainment reporting o writing,” paggigiit ni Danny, award-winning writer at cum laude graduate ng Bachelor of Arts (AB) in Journalism sa University of Santo Tomas; nag-Master of Arts (MA) sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila at Ateneo de Manila University at nagsusulat sa mga tabloid at broadsheet.

Kaya sinunod namin siya sa pamagat ng talakayan namin sa University of Santo Tomas (UST) sa October 17, 2019 sa ganap na alas tres ng hapon, “Entertainment Writing in the Philippines in the Advent of Social Media.”

Gaganapin ang symposium sa Central Library Auditorium Miguel de Benavidez Library, UST, España, Manila sa kagandahang-loob ng UST Publishing House.

Tatalakayin ni Vibas ang paksang “Bilingual Literature in Philippine Entertainment Writing.” Kasama sa kanyang tatalakayin ang paggamit ng iba’t ibang wika sa pagsusulat ng balitang panshowbiz tulad ng Taglish, Enggalog o purong Filipino o purong English. Kasabay nito ay ang pagpaksa niya sa pagkakaiba ng kultura ng tabloid at broadsheet. Dahil sa kanyang sanligan sa pamamahayag, tatalakayin din ni Danny ang pamantayan sa istruktura ng balarila at iba pang aspeto ng wika sa pagsusulat ng balitang pang-artista.

Pag-uusapan din ni Vibas ang epekto ng social mdia sa tradisyunal na porma ng peryodismong pang-aliwan.

Samantala, ialalahad naman ni Pilar—nagtapos ng AB Journalism sa UST at nagsusulat sa multimedia ng tungkol sa aliwan—ang temang “Women in Entertainment Media.” Base sa kanyang mga kaalaman at karanasan, maisasatinig ni Mateo ang kanyang mga ideya at karampatang saloobin kaugnay sa mga kaganapan sa showbiz na ginagampanan ng kababaihan.

Bilang babaing peryodistang pampelikula, alam at gagap na ni Pilar ang kanyang mga karapatan at respondibilidad sa pagsusulat ng tungkol sa showbiz.

Ipinanganak si Mateo kakambal ang showbiz dahil anak siya ng namayapang mahusay at sikat na character actor na si Renato del Prado samantalang kapatid niya sa ama ang batang aktor na si Janus del Prado. Mula noon hanggang ngayon, ang hinga ni Pilaring ay showbiz na showbiz. Tiyak na ibabahagi niya ang kanyang mga karanasan at kaisipan tungkol sa babaing anak ng isang aktor na nagsusulat tungkol sa mga katrabaho ng kanyang ama.

Paano nga ba tinatanggap ng balana ang mga babaing manunulat sa showbiz? Ano ang mga limitasyon ng isang babaing peryodista at paano niya ito binabaka? Paano nakikisama at nakikipamahay ang babaing peryodista sa tahanan ng showbiz kasama ang mga kalalakihan, halimbawa’y kapwa mamamahayag, mga artista at iba pang manggagawa sa pelikula, telebisyon, teatro, musika o maging sa social media?

Samantala, may ilalahad na tesis si Art Tapalla, dating kasapi ng Philippine Educational Theater Association o PETA kaugnay at tungkol sa panulatang panshowbiz bilang usapin ng paggawa. “Entertainment Writing as a Labor Issue.”

Paano ang proseso ng paghahanapbuhay ng mga mamamahayag sa showbiz? Anong klaseng employment meron sila? Ang nakikita bang pagkita ng malaki, halimbawa’y si Boy Abunda sa kanyang pagiging host ng showbiz ay katumbas din ng pagkita ng mga ordinaryong movie writer? Ang isyu ba ng pandadatung o panghaharbat ni Lolit Solis ay kultura na rin ng iba pang peryodistang pang-aliwan? Ano ang hangganan ng glamour at pagkita ng pera sa showbiz? Kailangan bang nag-aral ang isang peryodistang pang-aliwan para siya ay makapasok sa daigdig ng pamamahayag sa mundong ito?

Maraming sasagutin at ilalahad si Tapalla sa mga tagapanood at tagapakinig.

Samantala, ang inyong lingkod naman ay uusisain ang peryodismong pampelikula bilang isang popular na kultura.

Ano nga ba ang sukatan ng pop culture laban sa peryodismong pampelikula? May karapatan ba ang entertainment writing na tawaging peryodismo o journalism? Dapat nga bang seryosohin o hindi ang panulatang-panshowbiz?

2007 nang sulatin namin ang aklat na “Expose Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas (Movie Reporting in the Philippines)” para sa UST Publishing House. Naging nominado ang libro sa National Book Award ng Manila Critics Circle sa kategorya ng Journalism noong 2008 bagamat sa dalawang aklat na naglaban, ang libro ni Shiela Coronel at ng mga taga-Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang nagwagi ng parangal.

Isa nang karangalan ‘yon para sa amin dahil napag-ukulan ng mga kritiko ang aming pananaliksik. Ayon kay Isagani Cruz, ang isa sa mga pinagpipitaganang guro, manunulat at kritiko ng kultura, siya ang unang nakapansin sa aming aklat ay inirekomenda niya sa kanyang kapwa mga miyembro ng MCC kabilang ang National Artist for Literature na si Cirilo F. Bautista. Nabasa nga namin sa kolum noon ni Ginoong Bautista na binabasa na niya ang mga kalahok sa taunang gawad parangal ng National Book Award ang aming libro.

Nang ilunsad namin nang solo ang aming aklat, nandoon ang buong puwersa ng UST Publishing House sa pangunguna noon ni Jocelyn Calubayan. Dumating ang mga sumusuporta sa aming karera sa showbiz pero naman hindi ibig sabihin ay ang mga hindi dumating ay hindi sumusuporta. Nandoon ang namayapang peryodistang pampelikulang si Billy R. Balbastro at ang isa sa aming mga guro sa pagsusulat nang nasa showbiz na kami, si Ronald K. Constantino. Sa hanay ng mga celebrity, dumating sina Ricardo Cepeda, Brillante Ma. Mendoza, Butch Francisco, Maria Isabel Lopez, Nathan Lopez at marami pang iba.

Ngayon nang isumite namin ang panukala kay Ma. Ailil Alvarez, ang Direktora ng UST Publishing House at sa kanyang kawaksi na si Ned Parfan, agad nilang sinang-ayunan ang aming pakay at heto na nga ang talakayan sa UST Central Library.

Nirebyu nga pala ni Patrick Campos, ang isa sa mga miyembro ng prestihiyosong Manunuri ng Pelikulang Pilipino o MPP sa Plaridel, ang opisyal na akademikong limbag ng UP College of Mass Communication ang aming libro at may mga dimensyon ang kritiko sa kanyang pagkilatis sa aklat.

Pag-uusapan pa nang mas malalim at mas malawak ang panulatang panshowbiz sa “Entertainment Writing in the Philippines in the Advent of Social Media.”

Tara sa UST sa October 17, 2019 at 3 pm.